Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno
Ang hari ng Impiyerno na may kapangyarihang taglay
Yama ang kanyang pangalan na may mga demonyong alalay
Haring dumalo sa anim na paraan
Itataboy sa Impiyerno kapag ay dumating na makasalanan.
Kilalang tagahuli ng ibon, Kiyoyori ang kanyang pangalan
Buhay niya ay dumating na sa katapusan
Tinangay siya ng kanyang mga paa doon sa anim na paraan
At tuluyan niyang iniwan ang mundong kanyang kinamulatan.
Sa kanyang pagdating, siya’y naamoy ng mga demonyo
Na ihaharap nila sa hari ng Impiyerno
Ang sabi ng demonyo, “Impiyerno’y abot kamay mo,
Hindi madaling maabot, langit na inaasam mo.”
Ngunit sa paghila ng demonyo, nanlaban ang tao
“Ibang klase ka sa lahat ng nagkasala,” tugon ng demonyo
Tinanong ng demonyo kung ano ang pinagkakakitaan nito
Ang sabi ni Kiyoyori, siya’y tagahuli ng ibon sa mundo.
“Tagahuli ng ibon? Kumikitil ka ng buhay ng may buhay
Mabigat ang iyong pagkakasala, kaya sa Impiyerno ka na hihimlay.”
Pagkasabi noon ng demonyo, agad tumutol si Kiyoyori
Kaya iniharap siya ng mga demonyo sa kanilang hari.
Paglapastangan sa buhay, ang kanyang kaso
At mariing itinangi ni Kiyoyori ang kanyang atraso
“Ipinakain ko sa palkon, ibong hinuhuli ko.”
Ito ang pangangatwiran ni Kiyoyori at umayon ang mga demonyo.
Paa makapunta si Kiyoyori sa langit, si Yama’y may bilin sa tao
Ito ay humuli ng ibon at ialay sa hari ng Impiyerno
Kapag ito’y nagawa, ibibigay ang kanyang kahilingan
Na pumunta sa langit ng walang pag-aawayan.
Nanghuli na siya ng mga ibon sa mundong kinagagalawan
Inihaw at inialay na kay Yamang makapangyarihan
Tinikman ito ng hari, at lubhang nasarapan
Makakabalik na siya sa lupang kanyang kinamulatan.
Sa loob ng tatlong taon, makakabalik na siya sa panghuhuli
Malaking utang na loob, dala-dala ni Kiyoyori
Koronang sa bato ay hitik, pabaon ng Impiyerno sa kanya
Bumalik na siya sa kapatagan, at nagsimula ng buhay na kaaya-aya.
